Higit 268,000 Bangsamoro, nabigyan ng libreng tulong medikal sa ilalim ng AMBag Program
- Diane Hora
- Oct 23
- 1 min read
iMINDSPH

Umabot na sa 268,221 na benepisyaryo o pasyente ang nabigyan ng tulong ng Ayudang Medikal mula sa Bangsamoro Government o AMBaG Program ng Office of the Chief Minister as of September 2025.
Ayon sa AMBaG Program, ito ay katumbas ng ₱1,195,917,859 na kabuuang halagang naipamahaging tulong pinansyal, kung saan 84 percent ay zero-balance assistance — ibig sabihin, tuluyang nabayaran ng AMBaG ang mga gastusing medikal ng mga pasyente.
Ayon sa AMBaG, sa pamumuno ni Interim Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua at bilang pagpapatuloy ng inisyatiba ni dating Chief Minister Ahod “Al-Haj Murad” Ebrahim, magpapatuloy ang programang ito sa paghahatid ng serbisyo at malasakit.
Layunin ng AMBaG na matulungan ang mga Bangsamorong may mababang kita upang magkaroon sila ng access sa maayos na serbisyong pangkalusugan, alinsunod sa ikapitong priority agenda ng Bangsamoro Government.



Comments