Higit ₱9K halaga ng hinihinalang smuggled na sigarilyo, nasamsam; dalawang suspek, Timbog
- Teddy Borja
- Jan 28
- 1 min read
iMINDSPH

Timbog ang dalawang indibidwal matapos maaktuhang nagbebenta ng hinihinalang smuggled na sigarilyo.
Naaktuhan ang mga suspek na nagbebenta ng mga sigarilyong hinihinalang smuggled na lantad na naka-display, araw ng Martes, January 27. Bigo ang mga suspek na magpakita ng anumang legal na dokumento, dahilan upang sila ay arestuhin.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang mga pakete ng mga puslit na sigarilyo, na may tinatayang kabuuang halaga na ₱9,185.00.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang mga suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act para sa inquest proceedings.



Comments