Himas rehas ang isang lalaki, matapos nitong pagbantaan ang isang Pakistani national at asawa nito
- Jan 15
- 1 min read
iMINDSPH

Kulong ang isang lalaki, matapos nitong bantaan ang isang Pakistani national at ang live-in partner nito.
Bandang 4:20 ng hapon nang magpapaload lamang ang mga biktima nang biglang sumulpot ang isang armadong lalaki at tinutukan ng baril ang Pakistani national.
Sapilitang binuksan ng suspek ang sasakyan at tinangay ang isang bag na naglalaman ng alahas, mahahalagang dokumento, at foreign currency na nagkakahalaga ng 7,000 dirham, saka tumakas.
Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Quezon Municipal Police Station, nagsagawa ng paunang imbestigasyon, at nagpalabas ng flash alarm sa mga kalapit na yunit.
Sa tulong ng mga opisyal ng barangay at magkasanib na pwersa mula sa Quezon MPS, Mallig Police Station, PIU-IPPO, Isabela Provincial Mobile Force Company, at Regional Mobile Force Battalion 2, natunton at naaresto ang suspek bandang 5:15 ng hapon sa parehong araw.
Isinagawa rin ang crime scene processing sa tulong ng PFU Roxas.



Comments