HINDI KATANGGAP-TANGGAP AT MALINAW NA BANTA SA KAPAYAPAAN Ang pamamaril patay sa dating hepe ng Pikit PNP Elias Dandan at kasama nito ayon kay Gov. Lala Taliño Mendoza
- Mar 4
- 1 min read
iMINDSPH

Hindi katanggap-tanggap at malinaw na banta umano sa kapayapaan at kaayusan ng komunidad ang pamamaril patay sa dating hepe ng Pikit, Cotabato na si Elias Dandan at kasama nito.
Ito ang sinabi ni Governor Lala Taliño Mendoza sa kanyang inisyung paghayag na nagsasaad ng pagkondena sa insidente.
Inatasan ng gobernador ang PNP, AFP, gayundin ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na magsagawa ng masusing imbestigasyon, tiyakin ang agarang paglutas ng kasong ito, at dapat ay mapanagot ang sinumang may sala sa ilalim ng batas.
Buo ang suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga law enforcement agencies upang makamit ang hustisya para sa mga biktima at kanilang mga pamilya.



Comments