HINDI NA TUMULOY SA KOMPETISYON ang 3 pang manlalaro ng Sepak Takraw Team Elementary Boys matapos pumanaw ang kasama nilang 10 taong gulang na player
- Apr 14
- 1 min read
iMINDSPH

Dito sa bahaging ito ng Mac Ale Memorial Elementary School sa bayan ng Parang, Maguindanao del Norte naka upo at kumakain umano ang 10 taong gulang na Sepak Takraw Athlete na si Phiben Crame Ansoc.
Nagluluksa ang buong delegado ng Lamitan City, Basilan sa pagpanaw ng 10 taong gulang atleta
Isinalaysay din ni Lamitan City, Basilan School Division Superindentent, Dr. Tim Undain Sanchez ang mga pangyayari at mga hakbang na isinagawa ng kanilang pamunuan ng mangyari ang insidente
Ayon kay SDS Sanchez, hindi na tumuloy ang tatlo pang Sepak Takraw players na kasamahan ng pumanaw na si Phiben Crame.
Dagdag ni SDS Sachez, patuloy silang nakatutok sa mga atleta at mahigpit ang kanilang monitoring sa kanilang mga atleta at coaches.
Pormal na nagbukas ang palaro araw ng Linggo, April 12 sa Parang, Maguindanao del Norte.



Comments