HINDI PA GANAP NA NAIPATUPAD ANG CAB At nasa sensitibong yugto ang peace process dahil sa mga pagkaantala at mga kinakaharap na hamon ayon sa TPMT
- Mar 23
- 1 min read
iMINDSPH

Sa inilabas na pahayag ng Third Party Monitoring Team o TPMT, sinabi na ang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) ay naglatag ng landas tungo sa mas mapayapang kinabukasan para sa mga mamamayan ng Bangsamoro at ng buong Pilipinas.
Malaki na ang naging pag-unlad ng Government of the Philippines (GPH) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa nakalipas na 12 taon mula nang ito ay lagdaan sa Malacañang ayon sa TPMT.
Gayunman, ayon sa TPMT, hindi pa ganap ang implementasyon ng kasunduan at nasa sensitibong yugto ang peace process dahil sa patuloy na pagkaantala at mga kinakaharap na hamon. Upang maisakatuparan ang buong layunin ng CAB, kinakailangan ang muling pagtibay ng parehong panig sa mga prinsipyong nakapaloob dito.
Mahalaga anila, ang pagkilala na ang landas tungo sa kapayapaan ay kailangang tahakin nang magkasama, kung saan pantay na pananagutan ang dapat gampanan ng bawat panig. Nakapaloob sa CAB ang prinsipyo ng “parity of esteem”, na sumasagisag sa kinakailangang parehas na paggalang sa isa’t isa. Hindi anila magtatagumpay ang alinmang panig kung hindi sila magtutulungan, na may bukas na diyalogo at sama-samang pagpapatupad ng mga napagkasunduan.
Anila, nakapaloob sa CAB ang tinatawag na “parity of esteem” bilang daan sa pagkakaroon ng parehas na paggalang na nangangailangan anila ng malalim na respeto para sa isa’t isa at ang pangako na palaging maglagak ng makahulugang dayalogo at sanib pwersa na pagpapatupad.
Mahalaga din ayon sa TPMT ang pagtataguyod ng bagong Bangsamoro political entity na anila’y “truly democratic”.
Kinakailangang anila na maidaos ang kauna-unahang parliamentary elections sa BARMM sa buwan ng Setyembre ngayong taon.



Comments