Hindi pagkilala ng ilang establishimento at indibidwal sa mga issued driver’s license at vehicle registration ng BLTO, kinondena ng tanggapan
- Diane Hora
- 5 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Naglabas ng official statement ang Bangsamoro Land Transportation Office o BLTO upang tugunan at kondenahin ang mga natanggap na report hinggil sa hindi pagkilala umano sa official documents ng tanggapan.
Ayon sa BLTO, isang paglabag sa national policy at sa kapangyarihan ng BARMM ang hindi anila pagkilala at maling pagpenalize sa mga holder ng BLTO driver’s license at vehicle registration.
Giit ng BLTO, ang lahat ng issued documents ng tanggapan ay official, valid, at dapat kilalanin ng buong bansa base sa pinagtibay na memorandum mula sa national Land Transportation Office.
Kasunod ng natanggap na report, ipinatutupad ng BLTO ang mga hakbang laban sa anumang establishment, company, o individual—kabilang na ang rental services, insurance providers, at iba pang entities—na tumangging kilalanin ang mga BLTO-issued licenses at certificates.
Magpapataw umano ang tanggapan ng penalties at sanctions sa sinumang violators.



Comments