top of page

HINDI TOTOO NA WALANG TINANGGAL SA UBJP ayon kay BTA Deputy Floor Leader Naguib Sinarimb, isa siya sa mga tinanggal na officers ng pardito

  • Apr 15
  • 1 min read

iMINDSPH


Bagama’t sa buwan pa ng Setyembre ang first regular election sa BARMM, uminit na ang mga isyu sa pulitika sa BARMM matapos ang paghahain sa COMELEC ng Petition for Registration at Manifestation of Intent ng mga Regional Parliamentary Political Party noong nakaraang linggo.


Nariyan ang mga isyu sa mga front commanders ng MILF.


Ang isyu kung sino ang tunay na UBJP.


At ang isyu ng pagkakatanggal ng ilang miyembro at officer ng UBJP.


Sa panayam ng iMINDS Philippines kay Engr. Mohajirin Ali, sinabi nito na walang katotohanan ang sinasabing may tinanggal na officers at members ang UBJP.


Pinasinungalingan ito ni BTA Deputy Floor Leader, Atty. Naguib Sinarimbo, ang dating Deputy Secretary General ng UBJP, at kasalukuyang spokesperson ng Bangsamoro Federalist Party.


Ibinahagi rin nito ang mga pangyayari maging ang pagkakatatag ng Technical Working Group.


Maging ang pagkakatanggal at pagkakabalik sa kasalukuyang Chief Minister ng BARMM Abdulraof Macacua sa UBJP.


Kasunod nito, ibinahagi ng opisyal ang dahilan ng pagbuo ng BFP.



 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page