Hinihinalang drug personality, arestado sa search warrant operation sa Monkayo, Davao de Oro; Hinihinalang shabu, nasamsam ng pulisya
- Jan 8
- 1 min read
iMINDSPH

Timbog ng mga awtoridad ang isang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos makumpiskahan ng hinihinalang shabu sa isang ikinasang search warrant operation
Isinagawa ang operasyon sa bisa ng court-issued search warrant.
Nakumpiska mula sa suspek ang mga sachet na naglalaman ng puting kristal na hinihinalang shabu, kasama ang iba pang mga gamit sa ilegal na droga.
Isinailalim sa wastong marking, inventory, at dokumentasyon ang lahat ng nasamsam na ebidensya.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Monkayo Municipal Police Station ang suspek at ang mga ebidensya para sa wastong disposisyon at paghahain ng kaukulang kaso sa paglabag sa Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments