HINIHINALANG SHABU AT BARIL Nakumpiska sa buy-bust operation ng DCPO; Regional Level Top Priority Illegal Drug Personality, arestado
- Mar 2
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang isang Regional Level Top Priority Illegal Drug Personality sa ikinasang buy-bust operation na nagresulta rin sa pagkakasamsam ng mahigit isang daang libong pisong halaga ng hinihinalang shabu at isang baril.
Tiklo ang suspek na kinilalang si alyas “Bin”.
Nakumpiska mula sa suspek ang hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na ₱102,000.00 at isang .38 caliber revolver na walang kaukulang dokumento.
Ang operasyon ay isinagawa ng City Special Operations Group at City Drug Enforcement Unit, katuwang ang iba pang police units.



Comments