Holy Trinity College mula General Santos City, kampeon sa DSM Women’s Open Volleyball Tournament, isa sa mga tampok na palaro ng Kudaraten Festival 2026
- Diane Hora
- Feb 3
- 1 min read
iMINDSPH

Opisyal na kinilala ang mga nagwaging koponan sa DSM Women’s Open Volleyball Tournament, na nagpakita ng mataas na antas ng kompetisyon at huwarang sportsmanship bilang bahagi ng pagdiriwang ng Kudaraten Festival 2026.
Nagkampeon ang Holy Trinity College mula General Santos City matapos magwagi ng ₱150,000.00. Sinundan ito ng NIA-XI ng Davao City bilang First Runner-Up, na nag-uwi ng ₱75,000.00.
Samantala, tinanghal na Second Runner-Up ang Holy Trinity High School ng General Santos City na may ₱50,000.00, habang Third Runner-Up naman ang DPWH XII, na tumanggap ng ₱25,000.00.
Nagpaabot ng pagbati ang pamahalaang lokal sa lahat ng kalahok at nagwagi, bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon at sa mahalagang papel ng isports sa pagtataguyod ng pagkakaisa, malusog na pamumuhay, at positibong paghubog sa kababaihan.



Comments