top of page

HOUSING FRAMEWORKS, SOLAR ENERGY Tinalakay sa isinagawang framework conference ng Committee on Human Settlements and Development (CHSD) ng Bangsamoro Parliament

  • Apr 7
  • 1 min read

iMINDSPH


Sa dalawang araw na public hearing, mula March 30 hanggang 31, tinalakay ang BTA Bill No. 429 at BTA Bill No. 68 na nakatuon sa komprehensibong housing frameworks at paggamit ng solar energy sa socialized housing projects.


Ibinahagi ng mga opisyal ng iba’t ibang ministry ang kanilang mga polisiya, legal na mandato, at mga estratehiya sa implementasyon upang mabigyan ng malinaw na larawan ang mga mambabatas hinggil sa kasalukuyang mga programa.


Tinalakay rin ang KAPYANAN Program at iba pang inisyatiba ng mga ministry upang mapalakas ang koordinasyon at mas mapabuti ang paghahatid ng serbisyo sa pabahay.


Layunin ng komite na makabuo ng malinaw na framework na magsisilbing gabay sa pagpapatupad ng mga housing program upang maging mas epektibo at tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page