Huli Sa Search Warrant Operation ang isang 35-anyos na lalaki sa Midsayap, Cotabato Proivince
- Feb 26
- 1 min read
iMINDSPH

Kulong ang isang lalaki matapos mahuli sa buy-bust operation ng awtoridad sa Barangay Kiwanan.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Pao-Pao”, 35-anyos, may asawa at walang trabaho.
Nakumpiska sa operasyon ang sampung sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na tinatayang 1.514 gramo na nagkakahalaga ng ₱10,295.20, kasama ang mga drug paraphernalia at isang cellular phone.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa Sections 11 at 12, Article II ng RA 9165 para sa inquest proceedings laban sa suspek.
Bandang alas-3:25 ng hapon nang ipatupad ng pinagsanib na puwersa ng Midsayap Municipal Police Station MDEU, CPPO PIU, CPPO PDEU, 2nd CPMFC, PIT–North Cotabato, RIU 12, RID 12 Tracker Team, at 1203rd RMFB 12 ang Search Warrant No. 26-001 na inilabas ng RTC Branch 28, Midsayap, Cotabato.



Comments