Humanitarian assistance, muling isinagawa ng Project TABANG sa SGA
- Jan 20
- 1 min read
iMINDSPH

Enero 19, 2026, pinangunahan ng Office of the Chief Minister sa pamumuno ni Abdulraof Macacua ang pamamahagi ng tulong sa mga IDP sa Barangay Balong, Tugunan, Special Geographic Area o SGA ng BARMM, sa pamamagitan ng Project TABANG.
Kabuuang 350 sako ng bigas na tig-10 kilo at 120 assorted grocery items ang ipinamahagi sa mga pamilyang naapektuhan ng displacement, bilang agarang tulong sa kanilang pangangailangang pagkain.
Pinangunahan ang distribution activity ni Project TABANG Project Manager Brahim Lacua, na kinatawan ni Norodin Donton, Head ng Rapid Reaction Team, kasama ang field team mula sa Project Management Office.
Personal ding dumalo at nakiisa sa pamamahagi ng tulong si Abdullah P. Abas, na nagpaabot ng pasasalamat sa patuloy na suporta ng Bangsamoro Government sa kanyang mga nasasakupan.
Ayon sa Project TABANG, layon ng programa na agad na matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga pamilyang lumikas dahil sa kaguluhan at iba pang emergency situations sa rehiyon.



Comments