HUMINGI NG PAUMANHIN Si MP Lanang Ali Jr kay BARMM Chief Minister Abdulraof Macacua na aniya ay nagdamdam sa kanyang opinyon, paniniwala at paninindigan
- Apr 10
- 1 min read
iMINDSPH

Sa kanyang post sa social media, sinabi ni MP Lanang Ali na tulad ng ibang Bangsamoro sa social media aniya ay may kaparatan at kinikilala ng ating Konstitusyon na magpahayag ng saloobin at opinyon.
Iginagalang din umano niya ang mga komento ng kanyang bashers at haters. Naniniwala umano siya na sa bawat negatibo na komento ay may makukuha umanong aral na positibo.
Sinabi nito na magfocus sa issues, magfocus sa jihad at magfocus umano sa prinsipyo.



Comments