top of page

HVI, ARESTADO Matapos mahulihan ng hinihinalang shabu sa search warrant operation sa Isulan

  • Apr 15
  • 1 min read

iMINDSPH

Sa Sultan Kudarat —

Isang High-Value Individual ang arestado sa isinagawang search warrant operation ng pulisya. Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Jerry”, 55 anyos, may asawa, residente ng nasabing lugar, na itinuturing na High-Value Individual o HVI.


Narekober ang apat na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 50 gramo at tinatayang halaga na ₱340,000.


Bukod dito, nasamsam din ang isang caliber .38 revolver, apat na bala nito, at isang brown coin purse.


Isinagawa ang operasyon ng Isulan Municipal Police Station kasama ang Sultan Kudarat PO-PDEA 12 at 1st Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company, sa bisa ng search warrant para sa paglabag sa Republic Act 9165 at Republic Act 10591.


Matapos ang operasyon, agad na inaresto ang suspek at dinala sa Isulan MPS para sa kaukulang dokumentasyon.


Kasalukuyang sumasailalim sa booking at kaukulang pagsusuri ang suspek. Inihahanda na rin ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 at Republic Act 10591 laban sa kanya.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page