top of page

HVI drug suspect, patay matapos mauwi sa putukan ang buy-bust operation sa Sultan Kudarat MDN; ₱49,000 halaga ng hinihinalang shabu, nasamsam

  • Jan 23
  • 1 min read

iMINDSPH



Patay ang isang High Value Individual matapos mauwi sa putukan ang anti-illegal drug buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Calsada.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si alyas “Datu Labi”, lalaki, nasa hustong gulang, may asawa, walang trabaho, at residente ng Barangay Salimbao, Sultan Kudarat. Siya ay itinuturing na High Value Individual sa illegal drug trade.


Nagsagawa ng buy-bust operation ang Sultan Kudarat Municipal Police Station katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency matapos ang kaukulang pre-operation clearance. Matapos makumpleto ang transaksyon, nakaramdam umano ang suspek na pulis ang kanyang naka-deal kaya agad nitong binunot ang kanyang baril at pinaputukan ang poseur buyer.


Nakapagtago naman ang pulis sa konkretong poste at hindi nasugatan. Agad na rumesponde ang back-up team at nagkaroon ng palitan ng putok na nagresulta sa pagkakasugat ng suspek. Isinugod siya sa Cotabato Sanitarium Hospital ngunit idineklarang dead on arrival ng attending physician.


Nakumpiska mula sa suspek ang isang heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit-kumulang 7.31 gramo at tinatayang halaga na ₱49,708, isang ₱1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money, limang piraso ng pekeng ₱1,000 bill, isang caliber .45 pistol, isang motorsiklo, at susi nito.


Agad na ipinroseso ng Regional Forensic Unit ang crime scene habang isinagawa ang dokumentasyon sa presensya ng barangay official at isang media representative. Dinala ang lahat ng ebidensya sa Provincial Forensic Unit para sa tamang disposisyon.


Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa insidente.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page