HVI, huli sa buy-bust operation ng awtoridad; Hinihinalang shabu, nakumpiska sa operasyon
- Jan 14
- 1 min read
iMINDSPH

Timbog din ang isa pang habal-habal driver na kabilang sa listahan ng mga High Value Individual, sa buy-bust operation na ikinasa ng awtoridad.
Nakatakas naman ang kasama nito.
Nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto ng suspek na kinilala bilang alyas “Roni”, 47-anyos, may asawa at habal-habal driver mula sa Rosary Heights 9, Cotabato City, habang nakatakas naman ang isa pang kasamahan nito na kinilalang si alyas “Dola”, isa ring High Value Individual.
Ikinasa ang intelligence-driven buy-bust operation alas-2:30 ng hapon, January 13, 2026, sa Purok 5, Rosary Heights 9.
Nabilhan ng police poseur-buyer ang suspek ng isang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, na may timbang na humigit-kumulang 0.2 gramo at tinatayang halaga na ₱1,000.00.
Nasamsam din mula sa suspek ang isang ₱500 bill na ginamit bilang marked money, pati na rin ang isang mentos container na naglalaman ng improvised glass tube tooter.
Sasailalim sa mandatory booking, medical at drug testing ang suspek, habang ang nasamsam na hinihinalang droga ay isusumite sa RFU-BARMM para sa laboratory examination.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Cotabato City Police Office ang suspek at haharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments