Hygiene kits para sa mga mag-aaral ng kindergarten at grade 1 ng Talitay Elementary School, ipinamahagi ng provincial government ng MagSur kasama ang school bags, food packs at gamit pang-eskwela
- Diane Hora
- Oct 3
- 1 min read
iMINDSPH

Tinanggap ng mga mag-aaral ng Talitay Elementary School ang hygiene kits para sa mga mag-aaral ng kindergarten at grade one.
Kasama rin dito ang school bags, food packs, at mahahalagang gamit pang-eskwela para sa mga guro.
Bahagi rin ng program ni Governor Datu Ali Midtimbang sa probinsya ang Water, Sanitation, and Hygiene o WaSH Program, na layong maitanim sa murang kaisipan ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng wastong kalinisan.
Pinangunahan ng Rural Health Unit (RHU) ang makabuluhang demonstrasyon ng tamang paraan ng paghuhugas ng kamay, na nagbigay-diin sa papel ng kalinisan bilang proteksyon laban sa sakit at pundasyon ng mabuting kalusugan.
Dumalo rin sa nasabing aktibidad ang ilang lokal na opisyal ng LGU-Buluan kabilang sina Municipal Administrator Bai Nicole Malabanan, SB Members Bai Ramla Kadil at Datu Akbar Piang, ABC President Bai Jennah Lumawan, at Barangay Chairman ng Talitay.
Nagwakas ang programa sa isang masayang raffle draw, na naghatid ng tuwa at excitement sa mga bata, guro, magulang, at barangay officials. Ang masiglang pagtawa at ngiti ng mga dumalo ay patunay ng tagumpay ng aktibidad—hindi lamang sa pagbibigay-kaalaman sa kalinisan, kundi pati na rin sa pagpapatibay ng samahan at suporta ng komunidad sa edukasyon.



Comments