top of page

Basilan booth, tampok ang kultura at identidad sa selebrasyon ng ika-7 Bangsamoro Foundation Day

  • Diane Hora
  • Jan 23
  • 1 min read

iMINDSPH



Sa booth display exhibition na ginanap sa OCM Grounds, Bangsamoro Government Center, itinayo ang Basilan booth na hango sa Lumah Yakan—isang tradisyunal na Yakan house na sumasalamin sa mayamang tradisyon at pamana ng komunidad.


Sa loob ng booth, agad mararamdaman ang diwa ng kulturang Yakan: mula sa authentic household items, cultural artifacts, hanggang sa mga woven materials na nagpapakita ng galing, disiplina, at malikhaing kakayahan ng mga Yakan.


Higit pa sa isang exhibit, nagsisilbi itong paalala na habang patuloy na umuunlad ang Bangsamoro, dala-dala natin ang ating mga ugat at identidad—mga haliging hindi dapat mawala sa gitna ng pagbabago.


Bukas pa ang exhibit hanggang ngayong araw ng Biyernes, kaya’t inaanyayahan ang publiko na bumisita sa Bangsamoro Government Center at masilayan ang kultura ng Basilan—isang pamana na patuloy na nagbibigay-buhay sa pagkakaisa ng Bangsamoro.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page