Iba’t ibang animal health services, hatid ng provincial veterinary office ng Maguindanao del Norte sa bayan ng Parang
- Diane Hora
- 5 minutes ago
- 1 min read
iMINDSPH

Sa pamamagitan ng regular health monitoring, disease prevention, at technical support, patuloy na ini-aangat ng provincial veterinary office ng Maguindanao del Norte ang kabuhayan ng mga magsasaka at pinalalakas pa ang livestock industry sa probinsya.
Ito ang layon ng isinagawang animal health services ng tanggapan sa bayan ng Parang, araw ng Biyernes, October 24.
Bahagi ito ng patuloy na pagsusumikap ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Governor Datu Tucao Mastura, na isulong ang sustainable livestock production at tiyakin ang pangkalahatang kalusugan ng mga alagang hayop.



Comments