top of page

Iba’t ibang serbisyo, hatid ni Sultan Kudarat Mayor Datu Shameem Mastura sa mga residente ng Alamada sa ilalim ng kanyang SALAM BARANGAY PROGRAM

  • Diane Hora
  • Oct 17
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Tinungo ni Sultan Kudarat Mayor Datu Shameen Biruar Mastura ang mga residente ng Barangay Alamada hatid ang iba’t ibang serbisyo para sa mga residente sa lugar sa ilalim ng kanyang SALAM BARANGAY Program.


Pinangunahan ni Sultan Kudarat Mayor Datu Shameem Biruar Mastura ang SALAM BARANGAY Program sa Barangay Alamada, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte araw ng Miyerkules, October 15, 2025.


Iba’t-ibang serbisyo ang isinagawa ng LGU tulad ng libreng medical consultation, social services, free haircut, feeding program at iba pa kung saan maraming estudyante, guro at residente ang nakabenepisyo.


Ayon sa alkalde sa pamamagitan ng programang ito, patuloy na ipinapadama ng buong LGU na ang gobyerno ay para sa tao, naglilingkod ng may puso at malasakit.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page