top of page

Ilang establisimyento kabilang na ang 2 pawnshops, nasunog sa Barangay Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte

  • Feb 19
  • 1 min read

iMINDSPH



Ito ang dinatnan ng news team kaninang madaling araw sa Sitio Kurbada, Barangay Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.


Alas-12:43 ng madaling araw kanina nang makatanggap ng tawag ang Datu Odin Sinsuat Fire Station hinggil sa nagaganap na sunog. Agad namang rumesponde ang mga awtoridad at alas-12:49 na madaling araw ay dumating ang unang fire truck sa lugar.


Kabilang sa mga nasunog ang dalawang kilalang pawnshop at nadamay din ang isang hardware.


Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon kaugnay ng insidente. Ayon kay Solayman, sa ngayon ay wala pang kabuuang halaga ng danyos dahil nasa proseso pa ng standard operating procedure ang kanilang tanggapan.


Binigyan sila ng hanggang 45 araw upang makumpleto ang imbestigasyon at maisumite ang pinal na ulat.


Wala namang naitalang nasawi o malubhang nasugatan ayon sa inisyal na ulat.


Sa ngayon, patuloy ang ginagawang assessment ng Bureau of Fire Protection upang matukoy ang eksaktong sanhi ng sunog at ang kabuuang halaga ng pinsala.


Hinihikayat naman ng mga awtoridad ang publiko na maging maingat sa paggamit ng mga kagamitang maaaring pagmulan ng apoy upang maiwasan ang kahalintulad na insidente.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page