Ilang mambabatas ng BTA Parliament, nanawagan na isabay na sa May 8, 2028 local at national elections ang first regular election sa BARMM
- Diane Hora
- 2 days ago
- 2 min read
iMINDSPH

Naglabas ng pahayag si BTA Deputy Floor Leader Jet Lim, Deputy Speaker Jose Lorena at MP Khalid Ma-amor Hadji Abdullah na nanawagang isabay na sa National at Local elections ang first BARMM Parliamentary Elections sa Mayo 8, 2028, alinsunod sa Konstitusyon at umiiral na mga batas.
Ayon sa joint call, kaayon anila ito sa mga pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang halalan sa Bangsamoro ay dapat isagawa nang mahigpit na sumusunod sa Saligang Batas.
Iginiit ng mga mambabatas na ang synchronization ang pinaka-legal, praktikal, at institusyonal na matatag na paraan upang matiyak ang maayos na halalan at pamamahala.
Binibigyang-diin ng panawagan ang landmark ruling ng Kida v. Senate (G.R. No. 196271) ng Supreme Court of the Philippines, na nagtakda na mandado ng Konstitusyon ang pagsasabay ng halalan, kabilang ang sa mga autonomous regions, upang isulong ang political stability, orderly transitions, at epektibong pamamahala.
Sinusuportahan din ito ng mga umiiral na batas—ang Bangsamoro Organic Law (Republic Act No. 11054) at ang mga postponement laws na RA 11593 at RA 12123—na malinaw na nagtatakda na ang regular Bangsamoro parliamentary elections ay isasabay sa national at local elections.
Anila, ang desynchronized elections ay magdudulot umano ng halos walang katapusang election cycle, kung saan magkakaroon ng iba’t ibang halalan halos taon-taon. Sa loob lamang ng susunod na labinlimang taon, posibleng harapin ng BARMM ang hanggang labing-apat na magkakahiwalay na electoral exercises.
Sa ganitong putol-putol at paulit-ulit na eleksyon, maaantala ayon pa sa mga mambabatas ang maayos na pamamahala, mabibigatan ang kakayahan ng administrasyon, masasayang ang pondo ng gobyerno dahil sa paulit-ulit na paggastos, at tataas ang panganib ng political destabilization—na lalong magpapahirap makamit ang political order at stability sa rehiyon.
Giit pa nila “While the fundamental right to suffrage is the very fabric of our democracy, a temporary and narrowly tailored measure to safeguard order and stability is neither inconsistent with nor destructive of that right. The Supreme Court, in Kida, recognized that synchronization does not also diminish regional autonomy, as it “does not in any way alter, change, or modify its governing features, except in a very temporary manner and only as necessitated by the attendant circumstances.” In the long term, adherence to the policy of synchronization is necessary as a temporary and measured mechanism to promote lasting peace and sustainable development.



Comments