top of page

Ilegal na pagbiyahe ng produktong petrolyo, nasabat sa checkpoint sa Malidegao, SGA; Sasakyan at mga bariles, kinumpiska

  • Teddy Borja
  • Jan 30
  • 1 min read

iMINDSPH



Nasabat ng pulisya ang ilegal na pagbiyahe ng produktong petrolyo sa isinagawang checkpoint operation sa Barangay Batulawan.


Bandang 9:45 ng gabi ng Enero 26, 2026, nagsagawa ng checkpoint operation ang mga awtoridad sa Barangay Batulawan, Malidegao, SGA, nang kanilang masabat ang isang pick-up na sasakyan.


Sa isinagawang inspeksyon, napag-alamang ang sasakyan ay may kargang siyam na bariles ng produktong petrolyo ng walang valid permit.Nabigo ring makapagpakita ng kaukulang dokumento ang driver.


Ang mga produktong petrolyo at ang sasakyan ay agad kinumpiska ng awtoridad dahil sa paglabag sa Presidential Decree No. 1865 kaugnay ng Batas Pambansa Blg. 33, at dinala sa Malidegao Municipal Police Station para sa wastong dokumentasyon at disposisyon.


Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa drayber at sa natukoy na may-ari ng sasakyan at kargamento.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page