Ilegal na sigarilyo, nasamsam; Wanted persons, tiklo sa Tantangan, Sto. Niño at Koronadal City
- Teddy Borja
- 2 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Huli ang anim na indibidwal matapos ang serye ng operasyon ng awtoridad laban sa smuggling at pagpapatupad ng mga warrant of arrest sa iba’t ibang bayan at lungsod ng lalawigan.
Sa Polomolok, isinagawa ang anti-smuggling operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang indibidwal at pagkakakumpiska ng iba’t ibang uri ng ilegal na sigarilyo na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱8,600.00, na paglabag sa Republic Act 10863 at Republic Act 10643.
Ang mga nasamsam na kontrabando ay isusuko sa Bureau of Customs–General Santos City para sa kaukulang disposisyon.
Samantala, sa magkahiwalay na operasyon sa Tantangan at Sto. Niño, matagumpay na naaresto ng mga awtoridad ang dalawang wanted person na nahaharap sa mga kasong paglabag sa RA 9262 at Direct Assault sa ilalim ng Revised Penal Code.
Sa Koronadal City, tatlong indibidwal na may kinakaharap na murder charges ang naaresto sa bisa ng mga warrant of arrest at kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya habang hinihintay ang mga kautusan ng korte.
Lahat ng naaresto ay dinala sa kani-kanilang police stations para sa wastong dokumentasyon at kaukulang aksyon.



Comments