Iligal na baril at mga bala, nasamsam sa entrapment operation sa Buluan, Maguindanao del Sur; Suspek, arestado
iMINDSPH

Arestado ang isang lalaki na residente ng Cotabato City, matapos maaktuhang nagbebenta ng iligal na baril at mga bala sa isinagawang entrapment operation.
Inaresto si alyas “Guiadzali”, 29-anyos, walang trabaho at residente ng Poblacion 2, Cotabato City, matapos itong mahuli sa aktong nagbebenta ng iligal na baril at mga bala sa isang police poseur-buyer. Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 32 at Section 28 ng Republic Act 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Nakumpiska mula sa suspek ang-
Isang caliber 5.56 rifle na walang serial number
Isang short magazine assembly para sa caliber 5.56
Labing-walong (18) bala ng caliber 5.56
Isang 9mm revolver pistol na walang serial number
Apat (4) na bala para sa 9mm revolver
109 piraso ng ₱1,000 boodle money
Isang genuine ₱1,000 bill bilang dusted money
Isang backpack
[Graphics]
Isang caliber 5.56 rifle na walang serial number
Isang short magazine assembly para sa caliber 5.56
Labing-walong (18) bala ng caliber 5.56
Isang 9mm revolver pistol na walang serial number
Apat (4) na bala para sa 9mm revolver
109 piraso ng ₱1,000 boodle money
Isang genuine ₱1,000 bill bilang dusted money
Isang backpack
Isinagawa ang operasyon bandang alas-2:00 ng hapon, araw ng Biyernes, January 9, sa National Highway, Poblacion, Buluan.
Dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa himpilan ng pulisya para sa karagdagang imbestigasyon at wastong disposisyon.



Comments