Iligal na baril, granada at ₱218K halaga ng hinihinalang shabu, nasamsam sa operasyon sa General Santos City; lalaki, arestado
- Jan 12
- 1 min read
iMINDSPH

Nasamsam ang iligal na baril, granada, at mahigit ₱218,000 halaga ng hinihinalang shabu sa operasyon ng pulisya sa lungsod. Arestado rin sa operasyon ang isang lalaki
Ipinatupad ng mga awtoridad ang isang search warrant kaugnay ng paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang 39-anyos na lalaki na kinilala sa alyas na “Bimbo”, residente ng nasabing barangay.
Nakumpiska mula sa loob ng bahay ng suspek ang-
Isang .22 caliber firearm na may magazine na kargado ng 10 bala
Isang fragmentation grenade
Isang .38 caliber live ammunition
Pitong (7) sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 32.1 gramo, na may tinatayang halaga na ₱218,280.00
Dinala ang suspek at lahat ng nakumpiskang ebidensya sa Police Station 7 para sa dokumentasyon at wastong disposisyon, habang inihahanda na ang mga kaukulang kaso laban sa kanya.



Comments