top of page

Illegal Mining Site, Nilansag Ng Awtoridad sa Barangay Saripinang, Sultan Kudarat; 4 indibidwal kabilang na ang 1 Chinese national, arestado; Tinatayang 11.7 million halaga ng heavy equipment at miner

  • Feb 24
  • 2 min read

iMINDSPH



Sa ibinahaging impormasyon ng DENR Soccsksargen, nilansag sa isinagawang multi-agency team operation kasama ang Mines at Geosciences Bureau Regional Office XII ang isang illegal mining site sa Sitio Macau, Barangay Bai Saripinang, Bagumbayan, Sultan Kudarat, araw ng Huwebes, February 19.


Naaresto sa operasyon ang apat na indibidwal kabilang ang isang Chinese national, na natagpuang nag-ooperate sa site.


Sa ibinahaging impormasyon ng Department of Environment and Natural Resources Region 12, nakumpirma umano sa isinagawang imbestigasyon na wala sa mga suspek ang may hawak ng valid small-scale mining licenses, at hindi rin umano affiliated ang mga ito sa pagitan ng isang sole authorized mining contract holder sa lugar, ang ABN Nature Copper Ore Mining.


Ayon sa impormasyon ng DENR, nasamsam sa kasagsagan ng raid ang tinatayang ₱11.7 million na halaga ng heavy equipment at mineral products. Kabilang dito ang hydraulic excavator, skid steer loader, dump truck, rear bed loader, at portable air compressor.


Dagdag ng DENR 12 ang presensiya ng mga machinery ay isang direktang paglabag sa People’s Small-Scale Mining Act (RA 7076).


Bukod sa machinery, narekober din ng enforcement team ang 305 sako ng crushed mineralized rocks, na may kabuuang timbang na 15,250 kilograms.


Base sa preliminary analysis ang mga bato ay may taglay na quartz at may pyrite traces, indikasyon umano ng high probability ng gold at copper content.


Nakakabahala din umano ang pagkakadiskubre ng enforcement team ng 24.5 kilograms ng Ammonium Nitrate Fuel Oil. Ang posesyon at paggamit ng mga nasabing explosive materials ay mahigpit na ipinagbabawal sa small-scale mining operations dahil sa severe safety risks ayon sa impormasyon ng DENR.


Dahil sa mga paglabag, nagsampa na ang Mines at Geosciences Bureau XII ng formal criminal charges laban sa mga akusado sa ilalim ng Republic Act No. 7076, o ang People's Small-Scale Mining Act of 1991.


Hiniling din ang tulong ng Bureau of Immigration sa pagsasailalim sa foreign national sa legal custody.


Isinagawa ang operasyon base sa Cease-and-Desist Order (CDO) na inisyu noong February 5, 2026, ng Mines at Geoscience Bureau Regional Office XII at ng Provincial Mining Regulatory Board (PMRB).


Katuwang ng tanggapan ang Provincial Government ng Sultan Kudarat, National Bureau of Investigation (NBI), Bagumbayan Municipal Police Station, Sultan Kudarat Provincial Explosive Canine Unit, PNP Second Police Mobile Force Company, at Philippine Army.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page