top of page

Illegal recruitment syndicate, buwag sa La Union; 2 na most wanted persons, arestado

  • Teddy Borja
  • Jan 19
  • 1 min read

iMINDSPH


Apat na Most Wanted Persons na sangkot sa illegal recruitment syndicate ang naaresto ng Philippine National Police sa magkakahiwalay na manhunt operations sa La Union.


Inaresto ang apat na suspek na pawang Number 1 Most Wanted Persons ng Police Regional Office Cordillera matapos maipatupad ang mga warrant of arrest kaugnay ng kasong Illegal Recruitment Committed by a Syndicate at Estafa.


Isinagawa ang mga pag-aresto bandang alas-10:30 ng umaga hanggang alas-1:30 ng hapon ng Biyernes, January 16 sa mga barangay ng San Joaquin Sur, Nazareno, San Agustin Norte, at Sta. Barbara sa bayan ng Agoo, La Union.


Nahaharap ang mga suspek sa Criminal Case No. 49493-R, kung saan walang inirekomendang piyansa, at Criminal Case No. 15-26-CR-MTCC para sa Estafa, na may inirekomendang piyansang ₱18,000.


Dinala ang mga naarestong suspek sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at karagdagang imbestigasyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page