Iminumungkahi na circumferential route sa Lanao del Sur, sinuri ng MOTC BARMM
- Diane Hora
- Sep 29
- 1 min read
iMINDSPH

Sinuri ng Ministry of Transportation and Communications - BARMM sa pamamagitan ng Bangsamoro Land Transportation Franchising and Regulatory Board BLTFRB sa iminumungkahi na circumferential route sa Lalawigan ng Lanao del Sur.
Upang matukoy ang pinaka angkop na daraanan para sa ipinapanukalang circumferential route sa Lalawigan ng Lanao del Sur, sinuri ng MOTC BARMM ang lugar, araw ng Huwebes, September 25.
Ang aktibidad ay naglalayong makapagbigay ng teknikal na batayan upang maging praktikal, ligtas, at episyente ang ruta, at upang masiguro ang kaginhawaan ng mga mananakay sa buong lalawigan.



Comments