top of page

IMPLEMENTASYON NG RESOLUSYON NG COMELEC NA NAGPAPAHINTULOT SA MGA APPOINTIVE OFFICIALS NA MANATILI SA PWESTO KAHIT PINANGALANAN NA BILANG PARTY-LIST NOMINEE, PINATITIGIL NG KORTE SUPREMA

iMINDSPH


Pinapatigil ng Supreme Court ang pagpapatupad sa isang resolusyon ng COMELEC NO. 11045 na nagpapahintulot sa mga public appointive officials na manatili sa pwesto kahit pinangalanan na silang party-list nominee. Ito’y matapos maglabas ng Temporary Restraining Order ang Korte Suprema hinggil dito.



Nag-issue ng TRO ang Korte Suprema at pinatitigil ang implementasyon ng Section 11 ng COMELEC Resolution No. 11045 na nagpapahintulot na manatili sa pwesto ang mga public appointive officials na pinangalanang party-list nominee


Ayon sa Supreme Court, dapat sundin muna ng lahat ng mga partido ang status quo na ang mga public appointive officials ay itinuturing na nagbitiw sa pwesto sa oras na maghain sila ng kanilang certificate of candidacy.


Binigyan ng Korte Suprema ang COMELEC ng non-extendible na 10 araw para magsumite ng mga komento sa petisyon ni Atty. Romulo Macalintal.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page