Implementing Rule and Regulations ng Bangsamoro Local Governance Code, pirmado na kung saan nakasaad ang probisyon ng pagbabawal sa political dynasties sa buong BARMM
- Diane Hora
- Oct 1
- 1 min read
iMINDSPH

Pirmado na ang Implementing Rules and Regulations ng Bangsamoro Local Governance Code. Maipatutupad na rin sa buong BARMM ang pagbabawal sa political dynaties.
Ito ang ibinahaging impormasyon ni BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua
Pinaigting ng BLGC ang kakayahan ng mga lokal na pamahalaan upang patatagin ang mga institusyon, mag generate ng resources, at maghatid ng serbisyo nang may katapatan at malasakit.
Ayon kay Macacua, walang saysay ang awtonomiya kung walang pananagutan; at ang pamamahala na walang integridad ay paglapastangan sa mga sakripisyo aniya ng pakikibaka.
Mayroon ding makasaysayan na probisyon ang batas, ito ay ang pagbabawal sa political dynasties sa Bangsamoro.
Dagdag ni Macacua na ito ay isang matibay na pahayag na ang pamumuno ay isang tiwala ng bayan, hindi karapatang minana ng iisang pamilya.



Comments