top of page

IMPLEMENTING RULES AND REGULATIONS (IRR) Para sa Bangsamoro Labor and Employment Code 2025, inilabas na ng MOLE BARMM ang unang serye

  • 1 day ago
  • 1 min read

iMINDSPH


Ayon sa MOLE, saklaw ng IRR ang mga foreign national na nais magtrabaho sa BARMM, gayundin ang mga employer—lokal man o dayuhan—na nais kumuha ng dayuhang manggagawa sa rehiyon.


Itinatakda sa IRR ang pag-isyu ng Alien Employment Permit (AEP) sa mga kwalipikadong dayuhan, kung saan papayagan lamang ang kanilang employment kung walang lokal na manggagawa sa BARMM na may kakayahan at handang gampanan ang naturang trabaho.


Nilagdaan ni Labor Minister Muslimin “Bapa Mus” Sema ang IRR sa MOLE Regional Office, araw ng Huwebes, Marso 26 matapos ang pulong kasama ang mga opisyal ng ahensya.


Magkakabisa ang IRR, 15 araw matapos itong mailathala sa Bangsamoro Gazette o sa isang pahayagang may rehiyonal na sirkulasyon.


Ayon sa MOLE, layunin ng hakbang na maisakatuparan ang mandato nito na protektahan ang paggawa, isulong ang employment, at tiyakin ang industrial peace sa rehiyon.


Target din ng ahensya na makumpleto ang buong IRR ng labor code sa loob ng 2026.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page