top of page

Ina at dalawa nitong anak, sugatan matapos bumangga ang isang SUV sa kanilang bahay sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte

  • Teddy Borja
  • 2 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sugatan ang mag-ina matapos bumangga ang isang sasakyan sa kanilang bahay sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.


Ang SUV ay pag-aari ng isang pulis na may kargang mga puslit na sigarilyo.


Naganap ang insidente, alas 11:30 kagabi sa Barangay Tambak, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.


Bumangga ang isang SUV na nakahehistro sa isang miyembro ng PNP sa isang bahay.


Sugatan ang ina at dalawang anak nito, edad lima at dalawa.


Ayon sa paunang imbestigasyon ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station ang nasabing sasakyan ay bumibiyahe mula Brgy. Awang patungong Poblacion Dalican nang mawalan umano ng kontrol ang drayber at sumalpok sa bahay ng mga biktima.


Sa isinagawang pagsisiyasat, natuklasang may kargang labing-apat na kahon ng mga smuggled na sigarilyo ang naturang sasakyan.


Ang sasakyan ay nananatiling nasa lugar ng insidente. Samantala, ang 14 na kahon ng smuggled na sigarilyo ay dinala sa DOS MPS para sa karagdagang imbestigasyon at tamang disposisyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page