top of page

Inaabangang basketball league sa bayan ng Sultan Kudarat, magbabalik na ngayong taon simula Junuary 5-11, 2025 bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-23rd founding anniversary ng bayan

  • Jan 5
  • 1 min read

iMINDSPH

Inanunsyo ng lokal ng pamahalaan ng Sultan Mastura ang muling pagbabalik na inaabangang liga sa basketball sa bayan sa a-5 hanggang a-11 ngayong buwan ng Enero.


Ayon kay Mayor Datu Armando Mastura Sr, bahagi ito ng pagdiriwang ng ika-23rd founding anniversary ng bayan.


Isasagawa ang mga laro mula 7:30 ng umaga hanggang 3:45 ng hapon araw-araw.


Pinapayuhan ang publiko lalo na ang mga manlalaro na suriing mabuti ang opisyal na iskedyul ng bawat laro na inilabas ng mga tagapangasiwa ng liga upang maging gabay sa panonood at pakikilahok.


Nagpaabot naman ng pasasalamat ang pamahalaang bayan at inaanyayahan ang lahat na makiisa at makisaya sa bawat laro ng liga ng bayan ng Sultan Mastura.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page