top of page

INCUMBENT COTABATO CITY MAYOR BRUCE MATABALAO AT KAP. JOHAIR MADAG, NAGHAIN NANG COC KASAMA ANG KANILANG 10 KANDIDATO SA PAGKA KONSEHAL

iMINDSPH



Dagsa ang libu-libong taga suporta ng United Bangsamoro Justice Party sa paghahain ng certificate of candidacy ni incumbent Mayor Bruce Matabalao at Kapitan Johair Madag


kasama ang kanilang sampung kandidato sa pagkakonsehal.



Ito ang mga eksena sa mga pangunahing daan sa Cotabato City, araw ng Sabado bago naghain ng Certificate of Candidacy ang mga pambato ng United Bangsamoro Justice Party of UBJP sa 2025 elections.

Kumakandidato muli si incumbent Mayor Bruce Matabalao sa pagka alkalde at running mate nito si Kap. Johair Madag.



Naghain na rin ng COC ang sampung kandidato ng partido sa pagka konsehal ng lungsod. Kabilang sa slate sina-


Incumbent Councilor Popoy Formento at Elyboy Midtimbang.



Kasama din sa slate ng partido sa pagkakonsehal sina Kapitan Mohamad Mangelen, Atty. Anwar Malang, Michael Datumanong, Faidz Edzla, Joven Pangilan, Jonas Mohammad, Datu Raiz Sema at Bai Shalimar Candao.


Ang Cotabato City ay mayroong tatlumpo’t pitong barangay at mahigit isang daan at dalawampung libong botante.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page