top of page

Incumbent municipal councilor ng Datu Salibo, Maguindanao del Sur, na nahaharap sa kasong 2 counts of murder, arestado ng CIDG

  • Teddy Borja
  • Oct 17
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Inaresto ng mga elemento ng CIDG Maguindanao Provincial Field Unit ang isang alyas “Allan”, 44-anyos, at incumbent councilor ng Datu Salibo, Maguindanao del Sur.


Ang pag-aresto sa konsehal ay sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 2 counts of murder na inisyu ng Shariff Aguak Court na may petsa na October 11, 2023


Hinuli ito alas 2:00 ng hapon, araw ng Sabado, October 11 sa Airport Road, Barangay. Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.


Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kaso.


Ang konsehal ay kabilang din sa Number 7 Regional Most Wanted Person ng PNP PRO BAR.


Ayon sa CIDG, ang naaresto ay sangkot umano sa pagpapasabog laban sa grupo ng mga barangay officials na pinangunahan ng isang Datumanot Silongan na barnagay kapitan ng Pendeten, Datu Salibo noong August 16, 2023.


Ayon sa report, naglalakad ang mga barangay officials sa Sitio Patawali, Brgy. Ganta, Shariff Saydona, Maguindanao Del Sur nang mangyari ang pagsabog.


Nasawi sa pagsabog si Kapitan Silongan habang sugatan naman si Brgy. Kagawad Salik Katua at walong iba.


Pinuri naman ni CIDG Director PMGen Robert Alexander Morico II si PCOL Rollyfer Capoquian, ang Regional Chief ng CIDG Regional Field Unit, Bangsamoro Autonomous Region, at ang CIDG Maguindanao Provincial Field Unit sa pamumuno ni Provincial Officer, PCPT Norman N Marcos, at iba pang operating teams sa pagkakahuli sa akusado.


Kasama ng CIDG sa operasyon ang Highway Patrol Group, Aviation Security Group, at Special Action Force.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page