INFANTRY ORIENTATION TRAINING (INFOT) CLASS 01-2026
- Jan 19
- 1 min read
iMINDSPH

Sa opening ceremony ng INFOT, binigyang-diin ni Col. Manuel Leo Gador, ang Chief of Staff ng 6ID, na ang pagiging sundalo ay hindi simpleng propesyon kundi isang marangal na panata ng walang pag-iimbot na paglilingkod sa bansa.
Aniya, ang INFOT ay nagsisilbing pundasyon sa paghubog ng isang ganap na kawal ng bayan.
Isinagawa ang aktibidad noong January 15, 2026 sa 6th Infantry Division Training School (6DTS) sa Barangay Semba, Datu Odin Sinsuat. Sa programa, pormal na ipinakilala ang mga trainees ni Major Saturnino Mar Biem Perez, Training Director, kasunod ang Declaration of Opening na pinangunahan ni Col. Guillermo Mabute, Commandant ng 6DTS.
Ayon kay Col. Mabute, ang INFOT Class 01-2026 ay binubuo ng 34 newly commissioned lieutenants at 50 newly enlisted privates na sasailalim sa masinsinan at sistematikong pagsasanay bilang paghahanda sa aktibong tungkulin sa field.
Itinatampok ng INFOT Class 01-2026 ang patuloy na commitment ng 6th Infantry Division Training School na makalikha ng disiplinado, physically fit, at operationally capable na infantrymen—mga sundalong hindi lamang handang ipagtanggol ang bayan, kundi aktibong katuwang sa pagpapanatili ng kapayapaan at pag-unlad sa Mindanao at sa buong bansa.



Comments