Information drive, seminar at capacity-building program, pinalalakas pa ng MAFAR para sa mga magsasaka sa BARMM upang mabago ang nakasanayang mindset na para lang sa konsumo ang pagsasaka
- Jan 22
- 2 min read
iMINDSPH

Layunin ng mga isinasagawang pagsasanay ng MAFAR na itulak ang pagsasaka bilang negosyo—hindi lamang para sa sariling pagkain, kundi para sa kita.
Ayon kay MAFAR Minister Abunawas Maslamama, mahalagang maunawaan ng mga magsasaka na may profit beyond consumption, upang maging sustainable ang kanilang kabuhayan.
MASLAMAMA
Ang mahirap lang doon ay mai assess at it will take a time yung mindset nila, kasi kinaugalian nila simula't sapul yun ang utak nila, kung paano mag farming through capacity building. Yes para maalis yung mindent na for consumption or lessen up, kailangan yung consumption and business, may profit beyond consumption. Ahh through seminar? Sometimes every province ay meron tayong kuan doon meron tayong PD Provincial Director, meron naman silangh mga tauhan doon na pwedeng i tap natin, minsan ay centralise yung seminar sa region sa amin, galing ng deffirent provinces, tawi-tawi, basilan, maguindanao, then lanao. So ibigsabihin doon sa capacity building program. acceptance nila [CUT] Oo maganda yan walang resistance, appreciation ang kuan nila.
Isa rin sa mga tinututukan ng ministry ay ang kakulangan sa post-harvest facilities gaya ng storage at bodega, upang maiwasan ang pagkasira at pagkalugi ng ani. Mahalaga rin ang farm-to-market roads, lalo na para sa mga highland at liblib na komunidad na hirap makapagdala ng produkto sa pamilihan.
MASLAMAMA
Yung kawawang tao doon sa bundok hindi maka avail. Kasi yung kuan naman lahat ng daan doon maka avail. Benifited yung farm to market road? si politician mag daan doon, okay, benifited yan at sa mga kapatid nating mga highlanders benifited yan. [CUT] Yes, kailangan din yan. Kasi minsan kung wala tayong post harvest facilities yung mga loses, yung mga failure mahirapan sila.
Pero kung mron tayo for instance pamigay na mga storage food storage
Ayon sa ahensya, patuloy ang koordinasyon sa mga LGU upang masigurong ang mga imprastraktura ay tunay na napapakinabangan ng mga magsasaka at hindi lamang ng iilan.
MASLAMAMA
Meron specially doon sa agrarian reform services doon naka implement pero ngayon, meron kaming i request siguro kasi kulang kami jan sa FMR farm to market road. Nandoon ang coordination natim sa LGU, hindi naman definitly sa kanila, sa pagkat baka tauhan lang nila.
Patuloy ang pagsusumikap ng MAFAR na mai-angat ang antas ng pagsasaka sa rehiyon, lulubo ang produksiyon at ani, lumaki ang kita at hindi masasayang ang mga produktong pang-agrikultura.



Comments