top of page

INSPEKSYON SA MGA ONGOING RENOVATIONS sa mga pasilidad sa Brgy. Macabiso at Brgy. Balut, sinuri ni Mayor Datu Armando Mastura

  • Apr 14
  • 1 min read

iMINDSPH

Personal na bumisita si Mayor Datu Armando Mastura, upang inspeksyunin ang mga ongoing renovations sa Brgy. Macabiso at Brgy. Balut.


Kabilang sa kanyang sinuri ang pagsasaayos ng Barangay Health Station sa Brgy. Balut, gayundin ang mga paaralan tulad ng Brgy. Tuka Elementary School, Ebaadur Rahmaan Islamic Institute na matatagpuan sa Brgy. Balut, at Subpangan As-Shiekkain Arabic Academy sa Brgy. Macabiso.


Isinasagawa ang mga proyektong ito bilang bahagi ng inisyatibo ng lokal na pamahalaan kasunod ng mga napag-usapan sa nakaraang Programang BISITA sa Barangay.


Nagkaroon ng dayalogo sa naturang programa sa pagitan ng pamahalaang lokal, mga opisyal ng barangay, at iba pang sektor ng komunidad.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page