INTER-AGENCY TASK FORCE Binuo ng BARMM government para tutukan ang kasalukuyang sitwasyon sa usapin ng langis at enerhiya sa rehiyon sa gitna ng patuloy na sigalot sa Gitnang Silangan
- Mar 23
- 1 min read
iMINDSPH

Nagpatawag ng pulong si BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua, araw ng Biyernes kung saan tinalakay ang kasalukuyang sitwasyon sa usapin ng langis at enerhiya sa rehiyon sa gitna ng patuloy na sigalot sa Gitnang Silangan.
Ayon sa opisyal, bumuo na ang kanyang administrasyon ng Inter-Agency Task Force para tutukan at matugunan ang mga hamon sa kasalukuyan pagdating sa produktong petrolyo at energy.
Kinokonsidera rin umano ang pag-angkat ng langis sa karatig bansa sa Southeast Asia.
Sa ngayon, umaabot sa mahigit 80 pesos hanggang mahigit 100 pesos ang presyo ng produktong petrolyo sa maraming lugar sa rehiyon.
Nauna nang ipinag-utos ng pamahalaan ang pagtitipid sa mga tanggapan ng gobyerno lalo na pagdating sa consumption ng langis at electricity kasunod ng kasalukuyang krisis sa langis, alinsunod sa naging kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.



Comments