Iranun mayors, nagpulong kasama ang kinatawan mula sa BEZA at consultant mula sa Malaysia para isulong ang nagkakaisa at kaunlaran sa Iranun Corridor
- Diane Hora
- 3 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Pinangunahan ng Iranun Corridor Development Council ang pulong sa Iranun Palace sa Parang, Maguindanao del Norte.
Ang pulong ay pinamunuan ni Parang Mayor Cahar Ibay at nilahukan ng mga opisyal mula sa mga bayan ng Matanog, Buldon, at Barira—kasama ang mga kinatawan ng BEZA at consultant mula sa Malaysia.
Layunin ng pagpupulong na pagtibayin ang koordinasyon sa mga proyektong pangkaunlaran at tiyakin ang inklusibong progreso sa mga bayan ng Iranun Corridor.
Tinalakay rin ang mga stratehikong plano para sa mas pinahusay na ugnayan ng LGUs at economic zones sa rehiyon.
Sa tulong ng BEZA at mga internasyonal na consultant, umaasa ang mga lider ng Iranun Corridor na mas mapapabilis at mapapalawak ang mga programang pang-ekonomiya at pang-imprastruktura sa rehiyon.
Comentarios