top of page

ISAMA Party, nanawagan ng mabilis, malinaw, at walang kinikilingang imbestigasyon kaugnay ng trahedyang pagkalubog ng M/V Trisha Kerstin 3

  • Diane Hora
  • 1 hour ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Sakaling mapatunayan ayon sa ISAMA party, isa anila itong grave

violation ng human dignity, maritime safety regulations, at basic standards ng passenger protection,lalo na sa Badjao community, na kabilang sa mga vulnerable at historically

marginalized


Ayon sa ISAMA, walang paseho ang ihiwalay, i-confine o ilagay sa kondisyon na peligro sa kanilang kaligtasan anuman man anila ang estado, ethnicity, at kakayahan na magbayad ng pamasahe.


Ang anumang pagpilit sa mga pasahero na manatili sa pinakadelikadong bahagi ng barko na walang agarang paran para makaligtas sa trahedya ay nangangailangan ng agarang accountability.


Kabilang din sa ipinapanawagan ng ISAMA ang agarang fact-finding investigation ng mga kinakakulan lalo na ng human rights authority.


Full disclosure ng passenger manifest, vessel

layout, at crew instructions bago at sa kasagsagan ng paglalayag.


Masinsin, agarang, at makataong search, rescue, at retrieval operations na may lubos na paggalang sa mga biktima at kanilang mga pamilya


Pagtukoy sa kriminal, sibil, at administratibong pananagutan ng may-ari, operator, kapitan, at crew ng barko, sakaling mapatunayan ang kapabayaan


Nanawagan din ang partido sa mga ahensya ng pamahalaan na tiyakin na wala nang kultural o katutubong komunidad ang muling makararanas ng diskriminasyon at hindi ligtas na pagtrato sa pampublikong transportasyon, at na ang mga maritime operator ay papanagutin at susunod sa pinakamataas na pamantayan ng kaligtasan, pagkakapantay-pantay, at paggalang sa buhay ng tao.


Ang hustisya para sa mga biktima ng M/V Trisha ay hindi anila opsyonal. Ito ay isang moral, legal, at makataong obligasyon.


Nakikiisa ang ISAMA Party sa mga pamilya ng mga biktima at sa komunidad ng Badjao habang sama-samang hinihingi ang katotohanan, pananagutan, at pangmatagalang reporma upang hindi na muling mangyari ang ganitong trahedya.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page