Isang Bangsamoro, kinilala ang research sa KL, Malaysia kaugnay sa “Dried Puffer Fish Poisoning”
- Diane Hora
- Oct 10
- 1 min read
iMINDSPH

Taas noong ipinagmamalaki ng Bangsamoro ang kababayang si Bai Almira Raguia, isang registered nurse at tubong Kabuntalan, Maguindanao del Norte.
Si Bai Almira ay kasalukuyang Nurse IV ng Ministry of Health.
Pero bukod sa pagiging nurse nito, kanya ring pinagtutuunan ng pansin ang ginawang pananaliksik kaugnay sa “Dried Puffer Fish Poisoning” sa Lamitan City, Basilan.
Ang kanyang research paper ay nailathala sa Training Programs in Epidemiology and Public Health Interventions Network, isang international network ng mga programang nag-aaral ng epidemya upang mapalakas ang mga sistemang pangkalusugan sa buong mundo.
Naiprisenta ang pag-aaral ni Raguia sa SAFETYNET Scientific Conference sa Kuala Lumpur, Malaysia nitong September 22-26, 2025 lamang kaya labis ang papuri sa galing ni Bai Almira.
Pinuri naman ng ilang BARMM Officials ang tagumpay ni Bai Almira, sa facebook page ni Member of the Parliament Atty. Naguib Sinarimbo, sinabi ng opisyal na ang mga pananaliksik na tulad nito ay kaniyang sinusuportahan at hinihikayat upang mapalakas ang kultura ng academic excellence at maiangat ang ating rehiyon sa iba’t ibang larangan ng kahusayan.



Comments