top of page

Isang dating kasapi ng violent extremist group, sumuko sa militar sa Mamasapano, Maguindanao del Sur na resulta ng “earial leaflets dropping” na isinagawa ng 601st brigade

  • Jan 21
  • 1 min read

iMINDSPH


Nagbunga ang isinagawang leaflet operation ng militar sa mga lugar na pinagtataguan ng violent extremist group sa Maguindanao del Sur.


Ito’y kasunod ng pagsuko ng isang dating violent extremist sa 33rd Infantry Battalion sa bayan ng Mamasapano.


Pinangunahan ni 601st Infantry Brigade Commander, BGen Edgar Catu ang presentasyon ng sumukong indibidwal na ginanap sa Mamasapano Municipal Hall, araw ng Martes, January 20.


Ang dating kasapi ng Violent Extremist Group ay kinilalang si Sala Guiaman Guiamadel, na pormal na sumuko at kusang-loob na nagsuko ng isang (1) M16 rifle.


Binigyang diin ni BGen Catu, ang kahalagahan ng paghulog ng mga leaflets o kalatas ng kasundaluhan mula sa 601st Brigade sa ilalim ng 6th Infantry (Kampilan) Division, na naglalaman ng malinaw na mensahe ng pamahalaan at AFP na nagbibigay ng pagkakataong sumuko, magbagong buhay, at muling makapiling ang pamilya ng mga nalalabing kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Dawlah Islamiya–Hasan Group (DI-HG) ay epektibong paraan ng pagpapaabot ng impormasyon.


Aniya, ang tamang impormasyon, kapag naipaabot nang malinaw at may malasakit, ay nagiging daan upang mahikayat ang ating mga kababayan na piliin ang kapayapaan kaysa karahasan. Patuloy naming ipinararating na bukas ang pamahalaan at AFP sa pagbibigay ng pagkakataon para sa isang bagong simula sa mga nais sumuko at magbagong buhay.


Pinuri naman ni JTF Central at 6th Infantry (Kampilan) Division Commander MGen Jose Vladimir Cagara ang mataas na antas ng propesyonalismo, disiplina, at dedikasyon ng mga kasundaluhan ng 601st Brigade at 33rd Infantry (Makabayan) Battalion kasama ang LGU ng mamasapano na naging katuwang sa proseso ng pagsuko ng ating kababayan upang takiluran ang marahas na gawain ng grupong violent extremist.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page