Isang drug personality, arestado sa buy-bust operation sa Mawab, Davao de Oro
- Teddy Borja
- Feb 4
- 1 min read
iMINDSPH

Timbog ang isang drug personality sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng Mawab.
Kinilala ang naarestong suspek sa alyas na “Poy”, na itinuturing na street-level individual sa ilegal na droga.
Nakumpiska mula sa suspek ang hinihinalang ilegal na droga, buy-bust money, at iba pang ebidensya.
Ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya para sa wastong dokumentasyon, imbestigasyon, at paghahain ng kaukulang kaso sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments