top of page

Isang indibidwal, arestado sa Datu Montawal matapos makuhanan ng shabu na nagkakahalaga ng ₱1.7M at hindi lisensiyadong baril

  • Jan 20
  • 1 min read

iMINDSPH

Nasamsam ng awtoridad ang 1.7 million pesos na halaga ng ilegal na droga at hindi lisensiyadong baril sa isang joint mobile patrol operation ng pulisya na ikina aresto ng isang lalaki.


Isinagawa ng Datu Montawal Municipal Police Station ang operasyon, araw ng Sabado, January 17, katuwang ang 4th Maneuver Platoon, 2nd Provincial Mobile Force Company, Maguindanao del Sur Police Provincial Office, at sa koordinasyon ng 40th Infantry Battalion, nang mapansin ng mga operatiba ang isang kahina-hinalang indibidwal na palakad-lakad sa kahabaan ng national highway.


Nang lapitan ng mga awtoridad, tangka sanang tumakas ang suspek ngunit agad itong naaresto. Sa isinagawang lawful frisk at search, narekober mula sa kanya ang isang caliber .38 revolver na may mga bala, at isang transparent plastic pack ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 262.96 gramo na may standard drug price na ₱1,788,128.00, kasama ang iba pang personal na gamit.


Isinagawa ang marking, inventory, at photography ng mga nasamsam na ebidensya sa mismong lugar ng operasyon sa presensya ng isang opisyal ng barangay at kinatawan ng media, alinsunod sa itinakdang mga alituntunin ng batas.


Dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Datu Montawal MPS para sa wastong dokumentasyon at disposisyon, habang inihahanda na ang kaukulang mga kaso laban sa kanya.


 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page