Isang linggong selebrasyon ng 7th Bangsamoro Foundation Day, sinimulan na ngayong araw; Sipa Sa Manggis, tampok sa pagdiriwang
- Jan 19
- 1 min read
iMINDSPH

Nagsimula ngayong Lunes, January 19, 2026, ang weeklong demonstration at open-play competition ng Sipa sa Manggis, isang tradisyunal na larong Bangsamoro, bilang bahagi ng pagdiriwang ng 7th Bangsamoro Foundation Day.
Ang aktibidad ay pangungunahan ng Bangsamoro Sports Commission, katuwang ang MILO at Pocari Sweat, bilang suporta sa pagsusulong ng tradisyunal na sports at aktibong pamumuhay sa rehiyon.
Layunin ng aktibidad na ipakita ang ganda at lalim ng kulturang Bangsamoro sa pamamagitan ng sports, habang binibigyang pagkakataon ang publiko na makilahok, makaranas ng open play, at manalo ng mga premyo.
Ang on-site registration ay magsisimula alas-2:00 mamayang hapon, habang ang open play ay gaganapin mula alas-2:30 hanggang alas-4:30 ng hapon sa open area sa tabi ng Office of the Chief Minister, harap ng LandBank ATM.
Inaasahang dadagsa ang mga manlalaro, kabataan, at sports enthusiasts upang makiisa sa selebrasyon na hindi lamang nagtatampok ng palakasan kundi pati ng pagpapahalaga sa tradisyon, identidad, at pagkakaisa ng Bangsamoro.
Iniimbitahan ang publiko na makiisa at ipagdiwang ang Bangsamoro culture sa pamamagitan ng sport sa makulay at makasaysayang aktibidad na ito.



Comments