Isinagawa ng MSSD Maguindanao del Norte ang Stakeholders’ Consultation Meeting-Workshop para sa 2027 budget preparation na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor.
- Feb 20
- 1 min read
iMINDSPH

Kabilang sa mga dumalo sa stakeholders’ consultation meeting-workshop ang mga kinatawan ng Child Representatives, Solo Parent Federations, Women’s Federations, Senior Citizen Federation, Persons with Disability Federations, Internally Displaced Person Representatives, at maging Indigenous People Representatives.
Bukod sa mga representatives ng bawat sektor, aktibong nakilahok din ang mga line agencies at katuwang na tanggapan, kabilang ang Provincial Development and Planning Office–PLGU, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), Philippine National Police–PPO, Integrated Provincial Health Office, mga MDRRMO, at mga MPDC ng Kabuntalan, Northern Kabuntalan, at Upi. Nakiisa rin ang Mindanao Organization for Social and Economic Progress, Inc. (MOSEP), Community-Based Care System (CBCS), at mga kinatawan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.
Ayon sa MSSD, layunin ng aktibidad na mangalap ng mga suhestiyon at rekomendasyon mula sa iba’t ibang sektor upang maging mas inklusibo at tumutugon sa tunay na pangangailangan ng komunidad ang paghahanda ng budget para sa taong 2027.
Nagsilbing mahalagang plataporma ang konsultasyon, ayon sa tanggapan, upang mapakinggan ang boses ng mga sektor at mapagtibay ang partisipasyon ng mga stakeholder sa pagpaplano ng mga programa, aktibidad, at proyekto.
Inaasahang ang mga nakalap na input ay magsisilbing gabay sa mas epektibong paghahanda ng 2027 budget na tunay na makatutugon sa pangangailangan ng mga mamamayan ng Maguindanao del Norte.



Comments